Monday, April 13, 2009

P4 OXYMORO

Lunes Abril 13, 2009

Wala yata akung maisip ilagay sa BLOG na ito... Mag-"react" na lang kaya aku sa mga nakikita at nababasa ko sa kapaligiran... Halimbawa, ipinapatak noong minsan, siguro ilang linggo o isang buwan na ang nakaraan, ng MEDIA (TV CH2 o 7) ang isang larawan ng maitim na tau na mukhang Indian na di-umano'y kasama ng mga "terorista" sa Sulu... "Mauwiyah" daw ang ngalan at magaling magsalita ng Tausug... Dapat yata eh "Muawiyah" - na kalaban naman ng mga Shia/Iranians... Ito daw ay isang "SINGAPOREAN MUSLIM"... Heto ngayon ang problema... Sa pagkakaalam ko, yung mga TUNAY na MUSLIM na may ipinaglalaban sa dakong ito ng "SOUTHEAST ASIA" ay hindi kinikilala na may "Filipino Muslim", baka nga "Malaysian Muslim" eh hindi rin pumasa o hindi nila kinikilala... Eh di lalung-lalo na ang "Singaporean Muslim"!!! Disinformation siguro...

E-2-2-LOY

Tuesday, March 31, 2009

P3 KAMATAYAN

Martes, Marso 31, 2009

Noong isang hapon ay may nag-text sa aking kapatid na lalaki na isang malayong relasyon namin sa Batangas na kaapelyido ng aking ina ay namatay na. Si Michael ay isa sa mga "bataan" ng aking ama noong buhay pa siya... Ang chismis ay "SINAPIAN" daw ito... Kesyo naligo yata ng pagod atbp at "HINANGIN" daw ang ulo.... Nag-iba daw ang ugali at parang napakalakas... Dinala daw sa isang kapilya sa aming barangay at doon ay binenditahan daw ng pari pati na ang CELLPHONE nito na may mensahe daw "DEVIL" atbp atbp... Kung maniniwala tayo sa relihiyon at ispirituwalismo maaari ngang ito ang nangyari... ANg mga relihiyon tulad ng Kristiyanismo at Islaam at kapwa may katuruan hinggil sa mga "DI-NAKIKITA"... May hitsura daw itong si Michael at malamang ay kina-inggitan... Pero kung materyalistiko o siyentipiko ang isa ay ipaliliwanag niya na malamang ay "GINAMOT" ala "NILASON" si Michael... Kaso hindi raw ito umiinom o nag-sisigarilyo at lalong hindi nagdro-droga... Ano ang KATOTOHANAN hinggil sa pagkamatay ni Michael na mga 20-anyos lang yata... TSAMBA ba na namatay ito at ganoon din ang aking TAUSUG na kaibigang si NM UNDING???

E-2-2-LOY

Sunday, March 29, 2009

P2: ALA-ALA KAY NM UNDING

Katulad ding oras at lokasyon

Natatandaan ko mga ilang linggo bago pumanaw si National Master (NM) ABDULLAH bin Rawahah UNDING sa MASJID ng TANDANG SORA... Nag-SALAH kami ng MAGHRIB sa ERMITA MASJID... Tapus, tumuloy aku ng LUNETA CHESS PLAZA... Nawala kasi sa aking pananaw si "HECKY"... Nagmamadali siya at akala ko ay pumunta siya sa otel na binabanggit niya na mura raw... Medyo umikot aku sa Faura hanggang FHARNIZA pero hindi ko siya makita... Kaya tumuloy at dumiretso na lang aku sa CHESS PLAZA... May parang sumusunod pa nga sa likuran ko noon... Pagdating sa CHESS PLAZA hindi ko rin nakita si Master UNDING... Pero ilang sandali lang ay sumulpot siya... Suot niya ang isang baseball cap at hindi ang karaniwang puting MUSLIM cap na suot niya... May pinanood kaming naglalaban na medyo may kagalingan kung ikukumpara sa ibang naglalaro doon... May isang manlalaro na Bisaya na ayon sa kanila ay isang National Master na rin... Pero nanood lang kami ni Master UNDING...

Napansin ko na parang OVEREXCITED siya at panay ang bitiw ng salita na tila wala namang pinatutungkulang tau... Halimbawa ng mga natatandaan kong sinabi ni Master UNDING:

-"Mag-aral ka ng mabuti... Kung walang aral hindi ka lalakas sa chess"
-"Number one ang AGAMA - mamaya bumuka ang lupa at kainin ka ng lupa..."
-"Huwag kang iinom o mag-lalasing - dinala ng mga KASTILA ang alak para lasingin ang mga katutubo..." [Kailangan ng DISIPLINA para lumakas sa chess]
- E-2-2-LOY

ANG TALIBA blog
http://www.ang-taliba.blogspot.com
akda ni ang_taliba@yahoo.com

P1: ANG TALIBA BLOG

Ika-29 ng Marso Taong 2009
Kalendaryong Gregorian
Nasa Pangkalahatang Manila

MABUHAY ANG MAMBABASA!
Tuloy kayo sa aking BLOG na
==========
ANG TALIBA
==========
na maglalaman ng aking mga ideya sa samu't-saring mga paksa at bagay...
Hinggil sa aking sarili, sa mga darating na mga POSTING ko ay ipakikilala
ko ang aking sarili...

T
TA
TAL
TALI
TALIB
TALIBA
TALIBAG
TALIBAN
TALIBANANA
TALIBONG
ATBP ATBP ATBP

T - ika-20 letra sa alpabetong LATIN-ROMANO-INGGLES
TA - Tagalog na katumbas nito
TAL - isang RUSONG manlalaro ng AJEDREZ/CHATURan/CHATRANG/SHATRANJ/CHESS at dating Kampeon ng Mundo...
TALI - Tagalog ng "rope" sa wikang Inggles o panali...
TALIB - sa wikang Inggles, "student" o mag-aaral
TALIBA - itong BLOG ko, BINALIGTAD DIN na salitang "BA-LI-TA" o "news"... Sa wikang Inggles ay maaari itong isalin bilang "VANGUARD" o tagapamuno ng puwersa...
TALIBAG - kapag ginamit mo ng ginamit ang isang "shoulder bag" na may puting tali bilang "strap" at nakuha nito ang mga libag ng leeg mo... ito ang resulta!
TALIBAN - ang sinasabing kalaban ng puwersa ni OBAMA at ng mga Amerikano sa "War on Afghanistan" ngayong panahong ito, Taong 2009. Magpapadala pa raw ng karagdagang 5,000 tropa ang mga Europeo - NATO (No Action Talk Only)
TALIBANANA - isang pabirong awit noong 1950's ng isang Mulattong mang-aawit na taga-Caribbean... "Day-O"
TALIBONG - isang uri ng sandatang gamit ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng mga Kastila sa kapuluang ito...
ATBP ATBP ATBP